Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng land electronic titles (e-titles) sa mahigit 2,500 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Davao region.
Ayon kay Pangulong Marcos, unang hakbang pa lamang ang pamamahagi ng titulo dahil magtutuloy-tuloy ang pagtulong ng pamahalaan sa mga magsasaka upang makalaya ang mga ito sa kahirapan.
Pagtitiyak ng Pangulo, tatapusin niya ang distribusyon ng lupang sakop sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) bago matapos ang kanyang termino sa 2028.
Target naman ng Department of Agrarian Reform (DAR) na makapagbigay ng Collective Certificates of Land Ownership Awards sa mahigit 1.14 million na mga benepisyaryo.
Samantala, ipinagmalaki ni Pangulong Marcos na umabot sa 90,000 ang titulong naipamahagi sa mga magsasaka noong nakaraang taon.