Personal na nagpaabot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng tulong para sa mga benepisyaryo ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa Laoag City, Ilocos Norte.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy na susuportahan at tutulungan ng pamahalaan ang mga Pilipinong lubos na nangangailangan.
Nasa 9,500 AKAP beneficiaries ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa ikalawang distrito ng Ilocos Norte. Bukod pa ito sa 7,000 benepisyaryo na nabiyayaan din ng tulong sa unang distrito.
Layon ng AKAP na protektahan ang minimum wage earners mula sa epekto ng inflation sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong pinansyal na aagapay sa kanila upang matugunan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.