Nakatanggap ng cash incentives mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga atletang humakot ng medalya sa 4th Asian Para Games na ginanap sa Hangzhou, China noong nakaraang taon.
Matatandaang sa naturang paligsahan, humakot ng 19 na medalya ang Pilipinong para-athletes. Sampu sa mga medalyang ito ang gold, apat ang silver, at lima ang bronze.
Pinagkalooban ng P1 million ang gold medalists; P500,000 sa silver; at P200,000 sa bronze.
Sa kabuuan, namahagi ang Office of the President ng P13.45 million sa mga atleta. Karagdagan ito sa mga insentibong ibinibigay sa ilalim ng Republic Act No. 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Ayon kay Pangulong Marcos, tunay na maipagmamalaki ang para-athletes na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa bansa.