Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa publiko kaugnay sa responsableng paggamit ng kuryente.
Ginawa ni PBBM ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng 2023 National Energy Consciousness Month.
Mahalaga aniyang matuto ang mga Pilipino na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente at maging responsable sa paggamit ng enerhiya, sa pagsusulong ng sustainable development.
Binigyang diin pa ng pangulo na sa pamamagitan ng pagtutulungan at kooperasyon ng sambayanan, makakamit ang mas matatag na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.