Muling binigyang diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng digitalization sa mga government transactions, partikular sa Bureau of Customs (BOC), upang masugpo ang talamak na smuggling.
Bukod dito, sinabi ni PBBM na makakatulong sa paglago ng ekonomiya ang mas modernisadong data at transaction handling sa gobyerno.
Iginiit ni Pangulong Marcos na importanteng masolusyunan ang isyu ng walang humpay na smuggling kung saan halos lahat na ng mga produkto ay iligal nang naipupuslit sa bansa.
Dapat aniyang gamitin sa Pilipinas ang mga proseso na matagal nang umiiral sa ibayong dagat.
Nanawagan din ang Presidente ng drastic bureaucratic reforms laban sa smuggling na nagiging banta na sa mga lokal na industriya at nakakaapekto sa tax collection ng pamahalaan.