Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pagkakaisa at pagpapatawad sa panahon ng Ramadan.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Pangulong Marcos na inaasahan niyang mapapatibay ng isang buwang pagdiriwang ng Ramadan ang diwa ng pagkakasundo sa bansa para sa ikauunlad nito.
Kinilala rin ng Pangulo ang kahalagahan ng naturang pagdiriwang dahil ipinaaalala nito ang mayamang kultura at relihiyon sa Pilipinas.
Nakatakdang magsimula ang Ramadan bukas, March 12, ayon sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).