Hinimok ni Pangulong ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang lahat ng kanyang mga taga suporta upang patuloy na suportahan ang gobyerno sa mga inisyatiba nito sa gitna ng mga pagsubok na hinaharap ng bansa
Ayon sa pangulo, patuloy itong umaasa sa tulong ng kanyang mga tagasuporta gayong ang pinaglalaban na ngayon ay hindi na kandidato, partido o eleksyon kundi ang mga kailangang gawin para matugunan ang kinahaharap na problema ng buong Pilipinas
Dagdag ni PBBM napatunayan na aniya nito na nagmamahal sa bansa ang kanyang mga tagasuporta , tiwala rin aniya ito na tuloy ang magiging trabaho ng kanyang mga taga-suporta na tulungan ang pamahalaan na gawin ang mga kailangang gawin para sa bansa