Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap na sa 77th United Nations General Assembly si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa New York, USA.
Ipinagmalaki ni Pangulong Marcos ang naging tagumpay ng Pilipinas sa “peace building” lalo sa Mindanao.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t nanawagan siya ng suporta para sa kandidatura ng bansa upang mapabilang sa U.N. Security council.
Ang pangunahing responsibilidad ng U.N. Security Council, na binubuo ng 15 miyembro ay panatilihin ang International Peace at Security.
Mayroon itong limang permanent members na binubuo ng China, France, Russia, United Kingdom at United States.