Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang whole-of-nation approach upang matiyak na malusog ang bawat Pilipino.
Sa ginanap na 2024 Walang Gutom Awards ceremony, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na dapat magsanib pwersa ang pamahalaan, private sectors, non-profit organizations, at maging ang international community, upang tuluyang mapuksa ang kagutuman sa bansa.
Ibinahagi rin ni Pangulong Marcos ang mga inisyatiba ng pamahalaan na tutugon sa naturang isyu, kabilang na ang paglagda niya sa Executive Order No. 44 o Walang Gutom 2027: the Food Stamp Program noong Oktubre.
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Galing Pook Foundation ang Walang Gutom Awards kung saan 10 lokal na pamahalaan ang pinarangalan bilang best performing local government units (LGUs) sa paglaban sa kagutuman at malnutrisyon.