Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa iba pang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang kampaniya laban sa pamemeke ng pera sa bansa.
kasunod ito ng pagpresenta ng BSP sa Philippine Banknotes na naglalaman ng pirma ng punong ehekutibo at ni BSP Governor Felipe Medalla maging ang new generation currency (NGC) series coins kung saan makikita naman ang bagong BSP logo.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), umaasa si Pangulong Marcos na mas pagbubutihin pa ng BSP ang kanilang reporma sa mga bangko at ang Philippine financial system para sa kapakanan at pag-unlad ng bawat pilipino.
Sa kabila nito, nagpahayag naman ng suporta ang pangulo sa BSP at ipinangako na gagastusin sa mga programang magpapabuti sa pamumuhay ng mga pilipino ang pondo ng pamahalaan.