Dapat lamang na ipawalang-bisa ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bayad na pirma sa People’s Initiative ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang panayam matapos ang paglulunsad ng lung transplant program ng Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na wala dapat suhulang mangyari upang maamyendahan ang 1987 Constitution.
Aniya, nais man niyang ipahinto ang pamimigay ng mga benepisyo ng pamahalaan upang hindi mabahiran ang signature campaign, hindi ito maaari dahil maraming mga umaasa dito.
Gayunpaman, ipinaubaya ni Pangulong Marcos sa Comelec ang validation ng mga prima.
Nagpasalamat naman ang Comelec sa Pangulo sa paggalang nito sa pagiging independent body ng pamahalaan.