Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na gamitin nang tama ang national budget.
Sa ginanap na signing ceremony ng P5.768 trillion 2024 national budget sa Malacañang, nanawagan si Pangulong Marcos na labanan ang red tape na kadalasang nagiging sanhi ng overspending at underspending.
Aniya, dapat din nilang parangalan ang taxpayers na nagbigay-daan upang magkaroon ng pondo para sa susunod na taon.
Paalala ng Pangulo, nagtratrabaho sila hindi para sa sarili kundi para sa bansa.
Nakadetalye sa 2024 national budget ang plano ng administrasyon upang malabanan ang kahirapan, kawalan ng edukasyon, at kagutuman. Nakatuon din ito sa produksyon ng pagkain, pagprotekta sa mga tahanan, at paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.