Nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na ipasa ang mga panukalang batas na susuporta sa job creation agenda ng kanyang administrasyon.
Kabilang sa mga panukalang batas na ito ang House Bill No. 7400 o Enterprise-Based Education and Training (EBET) Program Act.
Layon nitong gawing mas efficient ang pagsasanay ng middle-level workers sa pamamagitan ng pag-consolidate o pag-sama sama ng industry-based training arrangement.
Sa House Bill No. 9794 o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) law naman, papatawan ng 20% corporate income tax ang mga lokal at dayuhang korporasyon sa ilalim ng enhanced deduction income tax regime.
Gagamitin naman ang incentives dito upang akitin ang mas maraming empleyado na mag-invest.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga manggagawang Pilipino ang mukha ng Bagong Pilipinas. Pangako niya, patuloy na aalagaan ng pamahalaan ang kanilang mga karapatan at kapakanan, sa loob o labas man ng bansa.