Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga alagad ng media na tulungan ang gobyerno na ipaabot sa publiko ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan.
Ito ay itinaon sa oath taking ceremony ng mga opisyal ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas sa Malakanyang kahapon na kaniyang pinasinayaan.
Kinilala naman ng Punong Ehekutibo ang mahahalagang papel na gagampanan ng mga mamamahayag sa lipunan.
Sinabi rin ni PBBM na paninindigan at poprotektahan niya ang karapatan ng mga ito na aniya ay matagal na nitong ginagawa buhat ng maupo ito sa posisyon bilang Pangulo ng Pilipinas. - sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan.