Nanawagan ng kooperasyon sa mga stakeholder si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Para sa long-term plan ng sugar production sa bansa.
Matatandaang nakipagpulong kahapon sa Malacañang si Pangulong Marcos sa mga stakeholder ng sugar industry na may layuning unahin ang lokal na produksiyon ng asukal upang matulungan ang mga sugar farmers.
Plano ring ilipat ng Sugar Regulatory Administration ang milling season at pag-aani sa buwan ng Setyembre mula sa dating buwan ng Agosto na makapagbibigay ng sampung porsyentong pagtaas sa produksiyon nito.
Ayon kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, ang paglipat ng milling season ay makapagbibigay ng benepisyo kabilang na ang pagbabawas ng paggiling sa mga young sugar cane; mas mahusay na sugar recovery; mas mahabang milling period; mas mataas na production volume; mas mahusay na factory preparation; at patas na oportunidad para sa mga miller at farmers.
Sakali namang matuloy ang pag-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal, papayagan ng gobyerno ang lahat ng trader na mag-angkat ng nasabing produkto.