Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Home Development Mutual Fund (HDMF) o Pag-IBIG na gawing mas accessible para sa mga Pilipino ang kanilang home mortgage financing.
Sa kanyang talumpati sa Pag-IBIG Fund Chairman’s Report for Year 2023, kinilala ni Pangulong Marcos ang mga naging tagumpay ng ahensya noong nakaraang taon.
Gayunpaman, binigyang-diin niyang matagal pa bago mag-deklarang “mission accomplished” dahil sa malaking housing backlog.
Aniya, upang mabawasan ang housing backlog at mabigyan ng inspirasyon ang mga Pilipino na magkaroon ng kanilang sariling tahanan, kailangang mapadali ang proseso sa pabahay.
Batay sa ulat, nakapagtala ang Pag-IBIG Fund ng pinakamataas na housing loan na P126.04 billion noong 2023. Nakatulong ito sa higit 96,000 Pag-IBIG members na magkaroon ng mas maayos na tirahan.