Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na magtulong-tulong para protektahan ang mga yamang dagat sa bansa.
Sa kanyang talumpati na binasa ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco sa pagbubukas ng Philippine International Dive Expo o PHIDEX 2024 sa Pasay City, nangako si PBBM na pananatilihin niya ang katayuan ng Pilipinas bilang hotspot ng biodiversity at underwater adventure sa pamamagitan ng strategic investment at sustainable tourism.
Kasabay nito, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng partisipasyon ng pribadong sektor sa pagtiyak na ang bansa ay mananatili bilang nangungunang destinasyon para sa mga diving enthusiasts at professionals mula sa buong mundo.
Matatandaang itinanghal ng World Travel Awards 2023 ang Pilipinas bilang leading beach destination at leading dive destination sa mundo noong Disyembre 2023.