Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na babawi sa Filipino community matapos nitong kanselahin ang biyahe sa Dubai upang dumalo sana sa 2023 United Nations Climate Change Conference.
Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos na inaabangan niya ang pakikipagkita sa mga Pilipino sa Dubai, ngunit kailangan niyang kanselahin ang biyahe dito upang unahin ang kaligtasan ng 17 Filipino seafarers na hinostage sa Red Sea.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Pangulo sa Filipino community sa Dubai para sa mga naiambag nila sa bansa at nangako siyang mag-oorganisa ng mas mahusay na programa para sa kanila upang makabawi.
Tinapos ni Pangulong Marcos ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagbati sa buong Filipino community sa United Arab Emirates (UAE) ng maligayang Pasko.