Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga naging tagumpay ng administrasyon sa pagpapalawak ng healthcare access sa Pilipinas.
Sa isang social media post, iniulat ni Pangulong Marcos na as of December 2023, 131 specialized centers na ang naipatayo sa bansa matapos niyang lagdaan ang Republic Act No. 11959 o Regional Specialty Centers Act.
Naglaan din ang pamahalaan ng P11.12 billion na pondo mula sa 2024 national budget na magpapatayo ng mas maraming specialty centers sa bansa.
Samantala, pinuri naman ng Pangulo ang “Doctors to the Barangays” program kung saan pinapapunta ang mga doktor sa mga liblib na lugar upang makapagbigay ng mga pangunahing serbisyong medikal.
Nangako naman si Pangulong Marcos na mas pabubutihin pa ang kalusugan ng mga mamamayang Pilipino.