Walang magugutom sa Bagong Pilipinas.
Ito ang binitiwang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga Pilipino.
Para kay Pangulong Marcos, matutuldukan ang kagutuman sa bansa sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa sektor ng agrikultura.
Upang mapanatili ang magandang ani sa bansa, patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga magsasaka at titiyaking mayroon silang modernong kaalaman sa agrikultura.
Sa katunayan, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamimigay ng tulong sa higit 12,000 farmers at sampung kooperatiba at asosasyon sa Candaba, Pampanga noong February 3.
Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga sumusunod:
- P5 million warehouse na may mechanical dryer
- P11 million assistance para sa hog repopulation programs
- P1 million na kapital para sa farmer groups
- P3 million na pondo para sa hauling trucks
- 3 million para sa rice seeds
Nagbunga naman ang tulong at suportang ibinibigay ng administrasyon sa mga magsasaka dahil noong 2023, record-high ang rice production ng bansa. Ayon sa ulat, nakapag-ani ang mga Pilipinong magsasaka ng 20.06 million metric tons (MT) ng palay. Mas mataas ito ng 1.5% kumpara sa naaning 19.76 milyong tonelada ng palay noong 2022.
Sa patuloy na pagpapalakas ni Pangulong Marcos sa sektor ng agrikultura, lalo na sa mga magsasaka, inaasahang magkakaroon ng sapat at abot-kayang pagkain ang bawat Pilipino at unti-unting masusugpo ang kagutuman.
Ika nga ng Pangulo, “Ang ating pagtutulungan na mapaunlad ang ating sektor ng agrikultura ay isa lamang sa mga pangunahing hakbang tungo sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas—kung saan walang nagugutom at ang lahat ay masigabong kumikilos para sa mas masaganang kinabukasan.”