Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang pagdiriwang ng 2022 National Science and Technology Week sa World Trade Center sa lungsod ng Pasay.
May tema ang pagdiriwang na agham at teknolohiya: kabalikat sa maunlad at matatag na kinabukasan.
Sa nasabing pagdiriwang magbibigay ng gawad ng Outstanding Research and Development Award for Basic Research, for Applied Research, at Outstanding Science Administrator Award sa ilang mga natatanging kawani ng Department of Science and Technology (DOST).
Dumalo rin sa event si DOST Secretary Renato Solidum kasama si Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nag-ikot sa binuksang bazaar ng lady legislators.
Ilan naman sa gamit nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos ay kasama sa mabibili sa lady legislators bazaar.
Ang malilikom sa bazaar ay gagamitin sa mga programa ng Association of Women Legislators Foundation Inc.