Nasa Indonesia na si Pangulong Bongbong Marcos Jr., para sa kanyang tatlong araw na state visit.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakatakda silang magpulong ni Indonesian president Joko Widodo at sasaksihan ang paglagda ng ilang agreement kaugnay sa defense, security, creative economy at culture.
Umaasa rin si PBBM, na tumatayong Kalihim ng Department of Agriculture, na maka-e-engganyo ang Pilipinas ng Indonesian investors sa agriculture at energy sector.
Gayunman, hindi bibisitahin ni Pangulong Marcos ang filipina death row convict na si Mary Jane Veloso.
Matapos ang pagbisita sa Indonesia, nakatakda ring bumiyahe ang Punong Ehekutibo sa singapore bukas.
Ilang kasunduan din sa nasabing pagbisita ang nakatakdang lagdaan.