Patuloy na naka-monitor si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior sa kalagayan ng mga residente sa Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha.
Dahil ito sa walang-humpay na pag-ulan bunsod ng shear line rainfall.
Ayon kay Cheloy Garafil, Undersecretary ng Office of the Press Secretary (OPS), nasa Malakanyang na ngayon ang Pangulo at sunod-sunod ang pakikipagpulong sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan.
Kabilang sa pinag-uusapan kung paano makakapaghatid ng tulong ang pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng pagbaha.
Matatandaang una rito, tiniyak ng Malakanyang na makatitiyak ang publiko, lalo na ang mga nananatili sa evacuation center na patuloy na kumikilos ang pamahalaan upang agad makapagpaabot ng tulong.