Inimbitahan ng Egypt para sa climate change conference si President Elect Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Ang imbitasyon sa nasabing event sa Nobyembre ay ipinaabot ni Ambasador Ahmed Shehabeldin Ibrahim matapos mag courtesy call kay Marcos.
Bukod dito, tinutukan nina Marcos at Ibrahim ang mga pananaw ng dalawang bansa hinggil sa mga usaping may kinalaman sa pagpapaigting sa bilateral relations ng Pilipinas at Egypt.
Sinabi ni Ibrahim na naging mabunga ang kanilang paghaharap ni Marcos kung saan ipinaabot niya rin na ang Pilipinas ang isa sa itinuturing nilang key sports ng international relations.