Personal na nagtungo sa lalawigan ng Abra si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. para makita at inspeksyunin ang mga pinsalang dulot ng Magnitude 7 na lindol.
Sa press briefing, humingi ang Pangulo ng update mula sa lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa agarang pagtugon sa mga naapektuhan ng naturang lindol.
Sinabi naman ni Office of Civil Defense (OCD) assistant secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, umabot na sa 700 aftershocks ang naitala sa Abra na may magnitude 1.5 hanggang magnitude 5.4
Sa bilang na ito, 161 ang plotted habang 22 naman ang naramdaman.
Marami rin ang nasira na imprastruktura na umabot ng P33.8 billion sa Ilocos Region pa lamang.