Inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agrarian Reform (DAR) na kumpletuhin ang land distribution para sa lahat ng beneficiaries nito bago matapos ang kanyang termino.
Sa distribution ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa Passi, Iloilo, tiniyak ni Pangulong Marcos na prayoridad ng kanyang administrasyon ang land reform program.
Aniya, hindi niya inasahan na magtatagal ang pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo nito na nagsimula sa administrasyon ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Siniguro naman ng Pangulo na mabibigyan ng titulo at suporta mula sa DAR at Department of Agriculture ang lahat ng mga benepisyaryo.
Kaugnay nito, naitalang 2,143 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang nabigyan ng titulo ng lupa sa naturang CLOA distribution.
Ayon sa Malacañang, mula sa Support to Parcelization for Individual Titling (SPLIT) Project ang mga ipinamahaging titulo.