Dumaraan na sa pag-aaral ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang proposal para sa pagsasaayos ng water resources ng bansa.
Sa pamamagitan ng Integrated Water Resources Management Program, maipapatupad dito ang organisadong pagsasaayos at pangangasiwa ng tubig, lupa at katulad na resources sa bansa ng hindi nakukumpromiso ang ecosystem.
Sinabi pa ng pangulo na sa pamamagitan nito, magkakaroon ng strategic framework para sa National Water Management, Policymaking at Planning.
Mahahagip din aniya ng ipinapanukalang programa ang paghahanap ng mga bagong water supply na dito ay makikinabang ang mga urban areas.
Layunin aniya nitong masiguro na may malinis na inuming tubig na magiging available sa lahat ng pilipino kahit pa sa malalayo at liblib na lugar sa bansa.