Pinangalanan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang pinaghihinalaang agricultural smugglers.
Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa isinagawang pagdinig ng Commission on Appointments (CA).
Ayon sa Kalihim, nakatakda nilang kasuhan ang mga sangkot na indibidwal.
Kinatigan naman ito ni Senator Grace Poe na nagsabing dapat lang ituloy ang kaso laban sa agricultural smugglers upang ipakita sa iba na epektibo ang batas na magpro-prosecute laban sa mga smuggler sa bansa.
Matatandaang sinertipikahan ni Pangulong Marcos bilang “urgent” ang pagpapasa ng Senate Bill No. 2432 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act kung saan magkakaroon ng mas mabigat na parusa ang smugglers at hoarders ng agricultural products.