Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng Davao City Coastal Bypass Road o DCCBR Segment A.
Sa nasabing aktibidad, kasama ni PBBM si Vice President at Education Secretary Sara Duterte at iba pang kawani ng gobyerno.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy lang ang pamahalaan, sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways o DPWH, sa pagpapatayo ng mga imprastrakturang kagaya ng DCCBR na tiyak na mapapakinabangan ng taumbayan.
Maliban dito, binigyang-pugay din ng Presidente si dating Pangulong Rodrigo Duterte bunga ng proyektong ito na pasok sa high standard highway network na may layuning pagdugtungin ang mga malalaking isla ng bansa.