Pinangunahan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pasko Caravan sa Quezon City.
Dumalo sa nasabing event si Quezon City Joy Belmonte at iba pang lokal na opisyal ng lungsod.
Sa mensahe ng pangulo, inihayag nito na palapit na palapit na ang bansa sa presyo ng bigas na kaniyang pinangarap.
Ito ay ang P20 na kada kilo ng bigas, na malapit sa ibinebenta ngayon sa Kadiwa outlets na nasa P25 kada kilo.
Ang Kadiwa ng Pasko Caravan ay pormal na inilunsad noong Nobyembre 16 na inisyatibo ng Office of the President katuwang ang Department of Agriculture.
Layon nito na mailapit sa mga pilipino ang mas murang lokal na produkto at bilang tulong na rin sa mga magsasaka upang kumita.