Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang unang bahagi ng pamimigay ng excavators na nagkakahalaga ng P776 million.
Sa turnover rites na ginanap sa Olongapo, Zambales, hinikayat ni Pangulong Marcos ang National Irrigation Administration (NIA) na i-maximize ang buong potensyal ng mga kagamitang ito upang mas tumaas ang produksyon at kita ng mga magsasaka, bilang paghahanda na rin sa El Niño.
Ayon sa Pangulo, magiging mahalaga ang excavators upang mapanatili ang 257 national irrigation systems at 10,144 communal irrigation systems sa buong bansa.
Samantala, nanawagan ang Pangulo sa Department of Agriculture (DA) at NIA na alamin ang mga kinakailangang tulong ng mga magsasaka upang mas mapabilis ang pagpapatayo ng irrigation facilities mula sa existing water sources.