Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na tutukan ang epekto ng El Niño sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang agad na umaksyon upang hindi tumaas ang presyo ng pagkain, lalo na at posible aniyang abutin pa ng halos kalahating taon ang tagtuyot.
Dagdag pa niya, bagamat maganda na ang takbo ng ekonomiya, hindi pa rin dapat magpakakampante dahil mayroon pang mga hamon na posibleng maging dahilan ng pagkasira nito.
Pagdidiin ng Pangulo, hindi lang ang pagpapalago sa ekonomiya ang hamon sa administrasyon, kundi ang pagtiyak na mararamdaman ng publiko ang pag-unlad, lalo na sa sektor ng imprastraktura, pangkalusugan, at edukasyon.