Pinili ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Bahay Pangarap bilang official residence nito.
Ito ang inihayag ni Jose Manuel Romualdez, Philippine Ambassador to the United States, ang buong pamilya ni PBBM ay titira sa Bahay Pangarap kung saan kasalukuyan itong inaayos.
Ang Bahay Pangarap ay matatagpuan sa loob ng Malacañang Park, na nasa kabilang bahagi ng Pasig River at nakaharap sa Presidential Palace.
Ginagamit ang complex nito sa recreational retreat ng mga dating Pangulo ng bansa.
Unang ipinakilala noong panahon ng namayapang Pangulo Manuel Quezon taong 1936.
Samantala, tumira na rin sa bahay pangarap sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Benigno Aquino III.