Nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas si President-elect Ferdinand Romualdez “Bongbong” Marcos Jr.
Alas dose kaninang tanghali nang manumpa si Marcos kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa National Museum sa lungsod ng Maynila.
Bago nito ay nagtungo ng malakanyang si PBBM para sa isang turnover ceremony kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte.