Mayruon nang sariling presidential painting si President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ipinost sa Uniteam Facebook page ang presidential portrait na ginawa ni artist Lulu Coching kung saan naka barong si Marcos katabi ang bandila ng Pilipinas.
Bukod kay BBM, si Coching na isang renowned artist ay gumawa rin ng portrait ng mga nakalipas na pangulo ng bansa tulad nina Benigno Noynoy Aquino III, Joseph “Erap” Estrada, Fidel Ramos at Corazon Aquino.