Posibleng bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Huwebes, Hulyo a-28 sa abra at sa ilan pang lugar na matinding nasalanta ng magnitude 7 na lindol kaninang umaga.
Ayon sa pangulo, hindi siya agad-agad na susugod sa lugar dahil nais niyang matutukan muna ng mga lokal na opisyal at mga awtoridad ang trabaho at maalalayan ang mga mamamayan na lubos na naapektuhan ng pagyanig.
Ipinaliwanag ng presidente na batay sa kanyang naging karanasan noong siya ay gobernador pa lamang at maging sa Yolanda tragedy na nagugulo ang trabaho ng mga lokal na opisyal kapag may dumarating na mga opisyal.
Samantala, nabatid na bago humarap sa media ay nag-report muna sa presidente ang mga pinuno ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), Department of National Defense at Department of the Interior & Local Government (DILG) sa Malacanang.