Posibleng magkaroon ng meeting si pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior kay United States President Joe Biden sa white house sa susunod na taon.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Ambassador to the US na si Jose Manuel Romualdez sa isang panayam.
Ayon kay Romualdez, tiwala siya na matutuloy ang pulong sa susunod na taon, lalo’t una na itong hiniling ng White House pero hindi maisakatuparan dahil sa abala lagi ang dalawang lider.
Sa ngayon, nagsimula na ang pag-uusap sa detalye ng magiging pulong.
Maliban kay Biden ay nasa palawan pa rin si US Vice President Kamala Harris na nakipagkita sa mga magsasaka at residente sa Tagburos.