Tutulak patungong Australia si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Miyerkules, Pebrero 28.
Ayon sa Presidential Communications Office o PCO, nakatakdang magsalita si PBBM sa Australian Parliament.
Inaasahang tatalakayin ng Pangulo sa kanyang pagsasalita sa parliyamento ang strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia na nilagdaan noong nakaraang taon.
Nabatid na may mga hiwalay ding pulong ang Presidente kasama ang mga senior officials ng Australia kung saan pag-uusapan ang ilang usapin tulad ng depensa at seguridad, kalakalan, pamumuhunan, people-to-people exchanges, multilateral cooperation, at regional issues.
Samantala, inaasahan ding pipirmahan ang mga bagong kasunduan sa ilang larangan upang mas mapalawak ang mutual capacity-building sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa Nobyembre ng taong ito, nakatakdang ipagdiwang ang ika-78 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Australia.