Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na parang nasa Pilipinas lamang din siya matapos ang inihandang arrival honors sa kanya ni Indonesian President Jojo Widodo sa Jakarta kaninang umaga.
Ayon sa pangulo, kaya pinili niya ang Indonesia na unang bisitahin ay dahil sa halos magkaparehong kultura nito at ng Pilipinas.
Mababatid na bahagi ng naging aktibidad ng punong ehekutibo ang pagtatanim ng puno sa hardin ng Bogor Palace kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at nilagyan ng kanyang pangalan ang signage na inaasahang yayabong sa mga darating na araw.
Nagpapasalamat naman ang pangulo kay Widodo dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya at naniniwala ang presidente na hindi siya nagkamali sa kanyang unang binisitang bansa upang mas lalo pang mapagtibay ang magandang uganayan ng Pilipinas at Indonesia.