Nanawagan si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pwersa ng pulisya na magtrabaho nang may integridad at huwag hayaan ang kawalan ng katapatan at pang-aabuso sa kanilang mga tungkulin.
Sa ika-121 anibersaryo ng Police Service na ginanap sa Philippine National Police (PNP) Multipurpose Center sa Camp Crame, Quezon City ngayong araw, hinimok ni Marcos Jr. ang mga pulis na gawin ang kanilang makakaya nang hindi isinasakripisyo ang integridad bilang mga lingkod-bayan.
Sinabi pa ng pangulo na ang mga opisyal ng pulisya ang halimbawa ng uri ng mga Pilipino na kailangan ng bansa upang malampasan ang mga konakaharap na problema.
Samantala, nagpahayag ng kumpyansa si Marcos Jr. na ang pamumuno ng bagong iniluklok na Hepe ng PNP na si Police General Rodolfi Azurin Jr. ay malaki ang maitutulong sa pagsisikap ng administrasyon na mapaunlad pa ang bansa.