Tuluyan nang tinanggal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa pwesto si National Irrigation Administration Acting Administrator Benny Antiporda.
Ito’y matapos italaga ni Pangulong Marcos si Eduardo Eddie Guillen bilang bagong NIA Acting Administrator.
Sa isang pahinang appointment paper na may petsang December 9, ipinagkakatiwala ng punong ehekutibo kay guillen ang pinakamataas na puwesto sa nia.
Nanumpa na rin si Guillen sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Si Guillen ay sinasabing dating alkalde ng Piddig, Ilocos Norte.
Wala pang pahayag sina Guillen at Antiporda hinggil dito.
Matatandaang pinatawan ng 6 na buwang suspensiyon ng Office of the Ombudsman si Antiporda matapos sampahan ng mga kasong administratibo ng ilang empleyado ng nasabing ahensya. - ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).