Hinahangaan ngayon sa social media ang pamimigay ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng 25 kilo ng bigas sa higit 2,000 beneficiaries galing sa indigent families at indigenous people sa Iriga City, Camarines Sur noong September 23, 2023.
Kasabay ito ng national launch ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na patok din sa mga netizen dahil sa layon nitong ilapit ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno gaya ng tulong medikal, pinansyal, at edukasyon sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.
Sa kanyang speech dito, siniguro ni Pangulong Marcos Jr. na walang problema sa supply ng bigas sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture, mas malaki ang ani ng mga magsasaka ngayong taon kumpara noong 2022 kaya kasalukuyang sapat at maraming supply ng bigas sa bansa. Pero ayon sa pangulo, mayroon pang kakulangan sa distribution ng bigas na agad naman niyang bibigyan ng solusyon.
Isa sa mga solusyon dito ang pag-iimprove ang agriculture system ng Pilipinas mula sa planting, research and development and processing, distribution, marketing, at retail.
Bukod dito, hihigpitan din ang parusa laban sa mga nanabotahe ng ekonomiya gaya ng smugglers at hoarders sa ilalim ng Senate Bill No. 2432 o mas kilala bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na certified mismo ng pangulo as urgent bill.
Dahil panahon na ng anihan at dahil sa mahigpit na utos ni Pangulong Marcos Jr. laban sa smugglers, makikita at maramdaman na natin ang pagbaba ng presyo ng bigas. Kapag mangyari ito, posibleng mabawasan na ang ipinatupad na pagkontrol sa merkado.
Sa mga aksyon ni Pangulong Marcos Jr. at sa sapat na supply ng bigas, masasabing papunta na tayo sa pagmura ng mga pagkain sa Pilipinas. | Mula sa panulat ni Krystine Belen