Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sisikapin ng administrasyon na maipamahagi ang lahat ng Certificate of Land Ownership Award o CLOA bago matapos ang kaniyang termino.
Ayon kay Pangulong Marcos, ilang dekada na ang programang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka subalit hanggang ngayon ay nananatili pa ring hindi nasasagot ang suliranin ng mga ito.
Nakakahiya aniya kung hindi nila matatapos ang programa na sinimulan ng kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sinabi ng Pangulo na nais ng kanyang ama na pagmamay-ari na ng mga magsasaka ang kanilang lupang tina-trabaho. - sa panulat ni Laica Cuevas