Inihayag ng Office of the Press Secretary (OPS) na “strongly committed” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagpapatupad ng proteksyon at seguridad sa mga miyembro ng media sa bansa.
Ayon kay OPS OIC Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil patuloy si PBBM sa pagkilala sa mediamen bilang importanteng haligi ng demokrasya.
Samantala, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief P/ Col. Red Maranan na layunin ng kanilang hanay na mapakinggan ang hinaing ng mga miyembro ng media patungkol sa kanilang seguridad.
Tuloy naman ang pakikipag dayalogo ng PNP sa Media upang mas mapalakas pa ang ugnayan nito matapos ang nangyaring pang-a-ambush sa batikang broadcaster na si Percival Mabasa. —sa panulat ni Hannah Oledan