Tiniyak ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuporta ng kaniyang administrasyon sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) para makabangon sa problemang idinulot ng Covid-19 pandemic.
Ipinabatid ni Pangulong Marcos ang pagtiyak kasabay ng pagdalo nito sa msme summit 2022 na naganap sa fiesta pavilion sa manila hotel, kung saan siya ay panauhing pandangal.
Ayon kay PBBM, nais niyang bigyan ng proteksyon at pantay na oportunidad ang mga msmes upang maging matagumpay ang pagnenegosyo ng mga ito.
Pilipinas ay binubuo lamang ng isang porsyento ng malalaking kumpanya habang nasa siyamnapu’tsiyam na porsyento ang maliliit na kumpanya.—sa panulat ni Hannah Oledan