Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang responsable sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa. Dahil importanteng papel ang ginagampanan nila, masasabing isa sa mga magagandang plano ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang gawing world-class ang AFP.
Sa ginanap na annual traditional dinner para sa AFP Council of Sergeants Major sa Malacañang noong October 23, 2023, ipinahayag ni Pangulong Marcos Jr. ang commitment ng kanyang administrasyon na gawing world-class force at national pride ang AFP.
Patuloy ang pagpapatupad ng administrasyong Marcos sa AFP Modernization Program sa pamamagitan ng pagbili at pag-upgrade sa military assets ng bansa. Matatandaang noong May 17, 2023, nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11939 na naglalayong mas mapalakas pa ang professionalization at merit system ng AFP. Dahil sa batas na ito, mas naging effective, modern, at professional ang AFP.
Ipinangako rin niya ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng kanyang administrasyon sa mga programa at polisiyang magsusulong sa welfare ng AFP personnel at ng kanilang mga pamilya.
Bilang sila ang first line of defense ng bansa laban sa security threats, buong suporta ang ibinibigay ni Pangulong Marcos Jr. sa AFP. Aniya, laging nasa likod ng AFP ang Pilipinas habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin sa bayan.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Pangulong Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng sergeants major ang pagpapahusay sa kanilang kaalaman at kakayahan upang ganap na maisakatuparan ang mga layunin ng AFP.
Napakahalaga sa pagpapaunlad ng ekonomiya ang pagsiguro sa peace and order at pagproktekta sa mga tao sa bansa laban sa domestic and international threats. Pangako ni Pangulong Marcos Jr., sisikapin ng administrasyon niyang maabot ang target na estado ng AFP na lalong rerespetuhin sa ibang bansa.