Isinusulong ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na magamit na ng lahat ng mga Pilipino ang kanilang National ID sa unang bahagi ng 2023.
Mababatid na mula noong Pebrero,6M pilipino pa lamang ang nakakatanggap ng kanilang national ID, sa kabila ng aabot sa 55M na nagprehistro para makakuha nito.
Ayon sa punong ehekutibo, napag-usapan naman na nila ni neda director-general arsenio balisacan ang pagpapabilis ng pag-imprenta ng national ID.
Samantala, ang naturang id system ay naisabatas noong 2018 sa ilalim ng Philippine System Identification Act na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.