Nagdala ang bagyong Odette ng napakalakas na ulan at hangin sa Pilipinas noong December 16, 2021. Labis nitong naapektuhan ang Dinagat Islands.
Para makatulong sa pagbangon ng tourism sector, target ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na palakasin muli ang turismo sa Dinagat na kilala sa malinis at Instagram-worthy nitong beaches. Hinangaan naman ng netizens ang planong ito ng Pangulo.
Pinanungahan ni Pangulong Marcos Jr. ang pamamahagi ng bigas sa higit isang libong residente ng Dinagat bilang parte ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program noong September 29, 2023. Dito, sinabi ng Pangulo ang plano ng administrasyon niyang i-develop ang turismo sa Dinagat Islands in continuous effort na i-recover ang lalawigan mula sa pinsala na nakuha nito sa bagyong Odette.
Ayon sa datos ng United Nations Development Program, higit sa 34,000 na pamilya ang naapektuhan ng bagyong Odette sa Dinagat Islands. Naitalang 2.8 billion pesos ang naging damage nito sa imprastraktura, samantalang 1.1 billion pesos naman sa sektor ng agrikultura. Dagdag pa rito, higit sa 5,000 tourism workers ang nawalan ng trabaho sa Caraga region ayon sa report ng Department of Tourism–Region 13.
Plano ng pamahalaan na ayusin ang buildings at iba pang imprastraktura na nasira dahil sa bagyong Odette. Magpapatayo rin ng airports at gagamitin ang seaports sa Dinagat para sa mas mabilis na access ng local at foreign tourists.
Bukod sa mapapaunlad nito ang tourism sector, mapapadali rin nito pagpapadala ng pagkain at other basic needs sa mga residente. Dahil medyo isolated ang Dinagat Islands, pahirapan ang pagpapadala ng supply sa lalawigan. Para ma-improve ang connectivity ng bansa, bumabangko ang pamahalaan ng trucks, boats, at machinery para sa farming and fishery industries.
Maraming kamangha-manghang tourist spots ang Dinagat Islands gaya ng Bitaog Beach, Lake Bababu, Duyos Beach, Dako Falls, Tagbirayan Beach, at iba pa. Masasabing maganda ang plano ni Pangulong Marcos Jr. na palaguin ang tourism sector at connectivity ng lalawigan dahil ang ganitong uri ng yaman ng Pilipinas ay di dapat tinatago.