Tatalakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu ng deficiencies ng mga filipino seafarers sa European Union sa pagbisita nito sa Brussels, Belgium.
Matatandaang sinita ng EU ngayong taon ang Pilipinas hinggil sa kakulangan ng training at edukasyon sa mga seaferers nito.
Sinabi ni DFA-Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu na kabilang ito sa tututukan ni PBBM sa pagpunta niya sa Belgium.
Tinataya namang nasa 50,000 na pinoy ang posibleng mawalang ng trabaho kung magkaroon ng ban.
Ipinag-utos na rin ng punong ehekutibo ang pagbuo ng isang grupo na tututok sa pagtugon ng bansa sa European Maritime Safety Agency (EMSA) evaluation at makapasa sa international convention on standards of training, certification, and watch keeping for seafarers. - sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan.