Sa ika-122nd anniversary ng Philippine Coast Guard noong October 17, 2023, tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na hindi titigil ang administrasyon niyang palakasin ang nasabing ahensya para mas mapalakas ang kapasidad ng bansa sa pagbabantay ng West Philippine Sea.
Itinuturing ang Philippine Coast Guard o PCG bilang oldest at only humanitarian armed service in the Philippines. Ito ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsable sa maritime search and rescue, maritime law enforcement, maritime safety, marine environmental protection at maritime security ng bansa. Bukod sa mga ito, nakikilahok din ang PCG sa anti-smuggling operation.
Matatandaang lubos na hinangaan sa social media ang matapang na utos ni Pangulong Marcos Jr. na tanggalin ang iniligay na floating barrier ng China sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal na isinagawa ng PCG noong September 23, 2023.
Upang matugunan ang mga hamon sa West Philippine Sea gaya ng nabanggit na insidente, siniguro ni Pangulong Marcos Jr. ang pagu-upgrade sa PCG sa pamamagitan ng patuloy na pamimigay ng modern equipment at personnel training. Tinitiyak niyang ongoing ang upgrade na makakatulong din para sa mas epektibong search and rescue at disaster response ng ahensya.
Isa sa mga plano ng administrasyong Marcos ang pagkakaroon ng additional 40 patrol vessels. Sa katunayan, sa pagdiriwang ng anniversary ng PCG sa Port of Manila, ininspeksyon mismo ng Pangulo ang bagong vessel na gawa sa Cebu.
Sa naturang selebrasyon, nagbigay-parangal din si Pangulong Marcos Jr. sa mga miyembro ng PCG, lalo sa mga nagbabantay sa West Philippine Sea na naging biktima ng pangha-harass ng China. Sinabi rin niyang maswerte ang Pilipinas sa iniaabot na tulong ng ibang bansa upang pagandahin at patibayin ang PCG.
Sinabi noon ni Pangulong Marcos Jr. na gagawin ng administrasyon niya ang lahat upang mapayapang masolusyunan ang isyu sa West Philippine Sea. Sa pagpapalakas ng coast guard, makikitang hindi niya sinusuko ang karapatan ng Pilipinas sa sarili nitong teritoryo. Pinatunayan din niya na aksyon at hindi salita ang susukat sa commitment para masiguro ang peace and stability sa West Philippine Sea.